Jump to content

Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere)/1

From Wikisource
Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere) ni Jose Rizal
Salin ni Patricio Mariano. Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales, (1911)
356162Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere) ni Jose RizalSalin ni Patricio Mariano. Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales, (1911)


I
SA CUBIERTA
Sie itur ad astra.

Isang umaga ng Disiembre ay hirap na sumasalunga sa palikolikong linalakaran ng ilog Pasig ang bapor Tabd, na may lulang maraming tao, na tungo sa Lalaguna. Ang bapor ay may anyong bagol, halos bilog na wari'y tabo na siyang pinanggalingan ng kaniyang pangalan; napakarumi kahit na may nasa siyang maglng maputi, malumanay at waring nagmamalaki dahii sa kaniyang banayad na lakad. Gayon man, siya'y kinagigiliwan sa dakong iyon, sanhi marahil sa pangalan niyang tagalog 6 dahil sa taglay niya ang sadyang ugali ng mga bagay-bagay ng bayan, isang wari'y tagumpay na laban sa pagkakasulong, isang bapor na hindi tunay na bapor ang kabuoan, isang sangkap na hindi nagbabago, hindi ayos nguni't hindi mapag-aalinlanganan, na, kung ibig mag-anyong makabago ay nasisiyahan na ng boong kalakhan sa isang pahid ng pintura. Na ang bapor na ito'y tunay na pilipino! Kaunting pagpapaumanhin lamang ang gamiti't pagkakamanlang siya ang daong ng Pamahalaan, na nayari sa ilalim ng pagsisiyasat ng mga Reberendo at mga Ilustrisimol Balot ng liwanag sa umaga, hayo na ang maputi niyang katawan (na iniwawasiwas ang maitim na usok) na nagpapagalaw sa aion ng ilog at nagpapaawit sa hangin sa mga maigkas na kawayang nasa sa magkabilang pangpang; may nagsasabing nag-uumusok din ang daong ng Pamahalaan ! . . .

Sa bawa't sandali'y tumitili ang -pasuit na paos at mapagbala na wari'y isang manggagahis na ibig makapanaig sa tulong ng sigaw, kaya't sa loob ng bapor ay hindi magkarinigan, ang lahat ng makatagpo'y pinagbabalaan ; minsa'y waring ibig durugin ang mga saiambaw, (mga yayat na kagamitan sa pangingisda) na ang galaw ay waring kalansay ng gigante na yumuyuko sa isang pagong na nabuhay sa kapanahunang dako pa roon ng pag-apaw ng tubig sa boong