Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/5

From Wikisource
This page has been validated.


Sa M. Presidente nang Gobierno Revolucionario.ó Pamunoang Tagapagbañyong puri.

Si Apolinario Mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po sa inyo at nagsasaysay:

Sa pagka't di nalilingid sa kaniya na sa ganitong kapitan nang bayan ay may katungkulan ang sino mang taga Pilipinas na umabuloy sa boong makakaya sa pagtatayo ng lubhang malaking gawa ng ating pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailangang magcaroon ang bayan ng kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol sa kajatayoan at pagkabuhay ng isang bayang nagsasarili, upang macapamili ng lalong maigui, ay sumulat ng isang munting libro na ang 'Pamagát ay «PANUKALA SA PAGKAKANA NANC REPÚBLIKA NANG PILIPINAS.>>

Sa pagka't walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang hangad na paquinabangan ng kaniyang mga kababayan ang kamunti pa niyang lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring ipalimbag at ipakalat ang nasabing libro at magpasingil sa kangino mang magcailangan nito ng halagang maaabot ng lahat na hanap-buhay, upang magamit yaon sa mga kailangan sa Pagbabangong puri (Revolución) gaano man ang halaga.

Ingatan po kayo ng Dios na mahabang panahon. Tangway ikalima ng Julio ng taong isang libo walong daan at siyam na pu't walo.

Ap. Mabini.