Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/38

From Wikisource
This page has been proofread.
—39—


manga pinag usapan sa Tanungan,

Ang mañga pacaná nang Kapisanan ay may bag-
sic nang cautusan, nguni't hindi pa dapat sundin
cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang Presidente.

50. —Sa manga pagpupulong at iba pang na-
uucol sa panihala at cahusayan sa loob nitong Ka-
pisanan ay ang susundin ay ang manga Tagobi-
ling caniyang quinathá.

51. —Ang manga Tagatayo sa cabayanang caloo-
ban nang Řepública pati nang tigisang pili så manġa
tumatayo sa manga capit cabayanan ang nagui-
guing Laguing Panjualaan na, cun nasasara ang
Kapisanan, ay mangangalaga sa ganap na catuparán
ng mga Cautusan at siyang tatauag sa manga ca-
pulong cun ito'y hingin ng Presidente sa pagca't
dumaan ang caguipitan ó may pagpupulungang lub.
hang malaquing bagay.

ICAPAT NA CASAYSAYAN.Tungcol sa

Tanungan (Senado).

52. —Ang Tanungan ay isang cabilugang lubos.
na cagalang-galang, na quinadoroonan ng manga
tauong lalong hirang dahil sa cahusayan ng pa-
quitang ugali at sa calaquihan ng naalaman sa ano
mang sanga ng carunungan at paghahanap buhay.

Ito'y natatalagang magpaliwanag sa Kapisanan at
sa Pamunoau sa canicaniyang usap na hinaha-
uacan, upang ang lahat na itadhana nitong da-
laua ay masamahang palagui ng pagcatuga at
catuiran; caya't ualang macaaaquiat dito sa mataas
na luclucan cundi yaong mga piling mamamayan
na nagpaquita ng di caraniwang talas ng isip at
casipagan.

53. —Ang Tanungan ang una-unang magsisi-