Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/35

From Wikisource
This page has been proofread.
—36—


macaalam na ualang pucnat sa mga paghahandang
gagauin, hangan mapasiya at pagcaisahan Dang
marami ang mga ibanĝonġ usapan tungcol sa ca-
yarian nang mga salin at calagayan nang mğa Ta-
gatayo, bago lumampás ang sampong arao. Sa su-
sunod nang laon gagauin, pagcatapos nang pagbu-
bucas, ang mga quínacailangan sa pagpapasiya sa
mga salin at călagayan nang mga Tagatayóng ma-
harap na bago.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nangagcacapi-
san at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang
mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang
Pangalauang Presidente at tatlong Kagauad, at lu-
lutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presi-
dente ng República ang manga paghahalal na ito.

46. —Ang manga Tagatayo'y hindi mapaqui-
quialaman tungcol sa canilang manga caisipan at
di sila masisisi dahil dito nino mang may capang-
yarihan sa ano mang paraan.

Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang
usap ang sino mang magcasala hangan di naqui-
quilala ang casalanan nang isang Paniualaang ipa-
lagay nito ring Kapisanan. Ang mga hablá sa ano
mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang
usap na di na magdadaan sa alin mang Paniualaan,
nguni't ang kapulungang hahatol ay magpapasabi sa
iaguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang
matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap
ay di macahaharap sa mĝa pulong nang Kapisanan
hangan di maquilalang siya'y nalang sala.

47. —Ang manga capangyarihan nang Kapisanan
ay ito:

Una. Cupcupin at itangcacal ang manga ca-
tuirang quiniquilala sa mamamayan nitong Panu-
calá at pangalagaan ang ganap na catuparan nang
cautusan sa pagbabangon at iba pá