Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/12

From Wikisource
This page has been validated.



ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NANG DIOS



Una, Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay ang Dios na siyang bucal ng boong catotohanan, ng boong catuiran at boong lacás; ang paghahangad ng puri ang siya lamang macaaaquit saiyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa catuiran at magtaglay ng casipagan.

Icálaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at minamarapat ng iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon bangungusap ang iyong Dios.

Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas ng isip na ipinagcaloob ng Dios sa iyo sa pamamagitan ng pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan ng iyong loob, na tuag cang sisinsay cailan man sa daan ng magaling at ng catuiran, ng mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailanganin at. sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong ng calahatan: cup gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo ng Dios sa buhay na ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun may-