Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/8

From Wikisource
This page has been proofread.



PAUNAWÀ.


Ang munting aklat na ito ay nababahagi ng dalawa. Ang una'y siyang nagsasaysay ng Halaga ng Istorya ó Kasaysayan at ang ikalawa ay siya naman nagtatanghal ng Kasaysayan ng Pagkatuklas dini sa ating lupang kinamulatan

Minagaling ko na isanib rito sa maikling pananalita ang halaga ng Istorya o Kasaysayan dahil sa marami pa ang di nakababatid na maigi nito. At dito ngà ay mauunawa ang kabuluhan niyan sampû ng sa sariling lupain at ng sa pagkakatuklasan na kinasanhian ng pagkakakilanlanan ng madlang tao na nanabog sa boong sandaigdaigan.

Tungkol naman sa Kasaysayan ng Pagkatuklas sa ating Lupain ay siya kong layon dini: at kung kaya siya kong isinunod sa aking "Dating Pilipinas ay sapagka't isa sa mga bahaging mahalaga ng ating Istorya ó Kasaysayan na di rin dapat di rin dapat maliblib sa limot. Tayo ngang mulat sa lupaing ito ay kailangan

I