Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/71

From Wikisource
This page has been proofread.


— 8 —

agulo ay si Juan Caraballo at ang pangalawa ay si
Gonzalo Gomez de Espinosa na nangulo sa Victor a.
Naglayag nga sila uli na nagdaan sila sa baybaying
kanluran ng Mindanaw saka tinungo ang dakong kanlu..
ran na tuloy nakita nila ang Kagayan Sebú. Ang mga
kataong naabutan nila roon ay mga moro, na di umano'y
mga galing sa Borneo.
Pagkatapos ay dumoong sila sa Palawan (Paragua) na
doon sila nakapanood ng sabong. Doo'y namili sila ng
mababaon, saka napatungo sa Borneo.
Nilisan nila ang Borneo at naglayag na muli hangang
sa natuklasan ang Molukas. At mula fito sa Molukas
ay umuwi sila sa Espanya hangang sa noong ika anim ng
Septiembre ng taong ikasanglibo, limang daan at dala-
wang pu't lawa ay sumapit ang Victoria sa Espanya
pagkata, os na makapagdanas ng katakottakot na sakuna.
Ito nga ang pagkapangyari ng pagkatuklas at pagka-
balita sa atin ng mga taga Europa.