Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/61

From Wikisource
This page has been proofread.


— 54 —

na siyang pinaghahalinhinan, na ang panugtog ay isang patpat na nababalutan sa dulo ng abaka; ang ikatlo ay may isang malaking gong na gayon din ang hichura; at ang ikaapat ay may dalawang munting gong sa kanyang kamay na pinopompiang, na di umano'y siyang naka- pagpaparikit ng tugtog. Anya'y ang tugtog ng mga yao'y magkakatugma na sino mang makarinig ay mag. sasabing ang mga iyo'y may hilig sa musika. Ang mga gong na yaon ay tanso, at aní Figafetta ay wari yari sa China.

Ang mga dalagang yaon aní Pigafetta rin ay maga.

ganda, at halos kasinlalaki at kasinpuputi ng mga babae sa kanilang lupain. Ang mga dalagang yaon anya, ay nakatapi lamang ng mula sa balakang hangang tuhod at ang ba'y halos hubo't hubad. Ang tenga ay may mga butas na malalaki at may mabil g na putol ng kahoy na nakasaksak, na siyang nakapagpapanatili noong luang ng butas.

Nakita rin naman ni Pigafetta ang ilang bayan sa

Sebú, na ang mga ito: Singhapola, na pinangunguluhan nina Silalon, Sigibukan, Sinaningha, Simatikhat at Si- kambul; Mangdawi na pinangunguluhan ni Apanoan; Lalan na pinangunguluhan ni Theten; Lalutan na pina- ngunguluhan ni Tapan; Silumai; Lubukun at iba pa.

Dito rin sa Sebú nakita ni Pigafetta ang paglilibing

at pagsamba ng mga tagarito na mababasa sa sinulat kong "Dating Pilipinas",