Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/25

From Wikisource
This page has been proofread.


―18―

dahil sa kaibigang lalong tumibay ang kanyang kapang-
yarihan at lumawig ang kanyang sakop; ang iba'y dahil
sa paghahangad ng mga buwis at kayamanan ang iba'y
upáng magpalawig ng kanyang mga kalakal; ang iba'y
sa pagtatangka ng karangalan; ang iba'y sa pagpapala-
ganap ng kanyang religión ó pananampalataya; ang iba'y
upáng mabigyán ng hanap-buhay ang kanyáng mga
kampón, mga sundalo at mámamayan sa mga lupaing
kanyang nasasakop; at ang iba'y sa lahat ng panukalang
ito. Datapua't di ko masabi kung may lupaing nag-isip
na manakop upang magpabuti sa ayos ng pamumuhay
ng bayang sinakop.
At palibhasa'y halos lahat ng lupaing nanakop ay
nagpakapanginoong di kawasa sa kanilang mga nasakop,
ay lumala ng di ano lamang ang pagkaalipin at pagka-
hamak ng maraming lupain; anopa't yaóng boong kabu-
tihan ng pagkakatuklasang aking sinambit sa dakong
una na dapat mamunga ng kaaya-ayang tamis; ay napa-
litan ng kasaklapsaklapang lason dahil sa pagsasakupan.
Gayon man, ay inaasahan kong darating ang isang
panahon, baga ma't may kalaunan, na ang madlang lu-
pain ay magkakaroon ng isáng mabuting pagsasamahan