This page has been proofread.
―16―
masayod sa marami, na naging tanglaw ng mga mang
lalakbay at manglalayag.
Sa pagkatanyag din [naman ng karunungang ito ay
nasulong ng di kawasa ang pangangalakál at ang karu-
nungan dahil sa pagkakadayuhan ng bayan bayàn, lala
wiga't lalawigan at kaharia't kaharian hangang sa nanga-
kaabot ng totoong malawak.
At sa pagkatanyag ng karunungang BULATLUPA ó
geografía at pagkasulong ng pangangalakal ay nakapat
nubay sa pagtuklas ng mga bagtasin sa dagat at ng
malalayong lupain at lalong lalo na ng makilala ang
brújula ó patnubay sa dagat: na sa mga ito ay natu
tunghan pa natin sa mga Istorya na:
Noong taón 332 (bago nagkatawáng tao si Jesu-Kristo)
ay nakapaglayag si Nearchus mula sa India hangang sa
look ng Persia.
Noóng taong 671 hangang 605 ay nakatawid si Itsing
sa Java at Sumatra.
Noong 861 ay natuklasan ni Naddod ang Iceland.
Noong taong 900 ay natuklasan ni Gunbiorn ang Gre-
enland.
Noong 1420 ay natuklasan ni Zarce ang Madeira.
Noong 1471 ay natuklasan ni Fernando Poo ang pus
lóng nagtataglay ng kanyang pangalan.
Noóng 1484 ay natuklasan ni Diego Cam ang Congo,
Noóng 1486 ay natuklasan ni Bartolomeo Diaz 'ang
Cabo de buena Esperanza.
Noong 1492 ay natuklasan ni Colón ang Bagong San-
daigdigan ó ang América.
Noong taong 1497 ay natuklasan ni Vasco de Gama
ang Mozambique, Zansibar at Kalikut.
Noong 1498 ay natuklasan ni Colón ang Trinidad at
Orinoco.