―8―
Halaga ng Kasaysayan ng Sariling Lupain.
Ang kasaysayan ng Lupaing kinamulatan ay di rin dapat ligtaang basahit siyasatin ng sino mang mámamayan; sapagka't siyan kumakandili ng ating alaala sa ating kahapon sa ating mga kanunuan na ating pinagkautangan ng buhay at lahat na, siyang pumapatnubay sa ating pamumuhay ngayon at siyang teleskopio ó pang, tanáw natin sa haharapin. Kaya't ani Perfecto Maka-Araw (sa MULIG PAGSILAG) ay: "bago tayo mag-aral ng Kasaysayan ng iba, ay ng atin muna At dahil din sa matuid na ito ay ipinaaninaw sa atin ni Gat Rizal ang Kasaysayan nating sinulat ng kilalang si Antonio Morga.
Hindi nga naman nararapat na ating pag-aralan ang Istorya ng sangkinapal ó ang Istorya ng iba't ibang lupain ó bayan kung hindi pa natin nalalaman ang Istorya ng ating sariling Lupaín; sapagka't ang sariling Lupain ay siyang pinakamagulang ng mamamayan, kaya't aní Perfecto Maka Araw rin, ay: "ang bayang di nakakaalam ng Istorya ó kasaysayan ng kanyan Lupain ay kahalin-tulad ng isang taong di nakakakilala ng kanyang mga tunay na magulang". At siyang matuid, sapagka't sa kasaysayan lamang ng sariling Lupain mapagkikilala ang tunay na uri at pagkatao natin.