This page has been proofread.
―6―
ano man sa ating mga anák at inapó ó mga sumusunod
sa ating lahi madidili-dili ba kaya natin ang magiging
pamumuhay nila. Sa akala ko'y magtataglay sila ng isang
mahirap na pamumuhay. At dahil dito ay kailangan
natin ang mga libro ó aklat ng Istorya na napagbaba-
kasan ng mga pinuno, ng mga mamamayan, ng mga
político, ng mga pilósopo, ng mga maestro, ng mga
magdadagát at ng madla.
Ang Istorya nga ay totoong kailangan, hindi sa pag-
ka't atin pang pagbabalikán yaong nakaraán na, hindi,
kungdi sa paglingon natin niyan ay ating matututuhan ang
mabubuting kanilang naabot at malalayuan ang naisip
at nagawa nilang di natumpák sa mabuti.
Kaya't ani Morley ay: «Ang kasalukuyan ang mina.
mahalagá ko; ang Kasalukuyan ang pinagsisikapan kong
maunawa at maaninaw. Hindi ko kailangan sa ano man
na malaman ang nangyari sa nagdaán, maliban sa sie
yang nakapagpapakilala sa akin na lalong malinaw ng
aking landás sa nangyayari ngayon>.
Aní Carlyle ay: «Siyasatin natin ng siyasatin ang
nakaraan... dahil sa pamamagitan lamang ng liwanag
niyan... ating mauunawa ó mahuhulaan ang kasalukuyan
o ang haharapin».
Ani Perfecto Maka-araw ay: «Bago tayo mag-ubos
kaya sa paggawa ng ating ngayon at sa paghahanda ng
ating bukas ay sinagin muna sa dilim ng panahon ang
tinalikdang kahapon at ang lalong malayong pinag-
daanan.
Aní Dr. Schaffs ay: Ang kasalukuyan ay siyang
bunga ng nakaraan at siyang ugát ng haharapin».
At aní Dr. B. A. Hinsdale ay: Ang Istorya ang
siyang kamalig na imbakan ng kaalaman ng tao, siyang
salamin tungkol sa nakaraang panahón». At anya pay: