Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/10

From Wikisource
This page has been proofread.









ANG HALAGA NG KASAYSAYAN

Ang Istorya ó Kasaysayan ay isá sa mga karunungang hanga ngayon ay hindi pa kilala sa katagalugan, palibhasa'y wala pang mánanagalog na humihilig sa karunungang ito. Nguni't ang Istorya ay isa sa mga dapat pakámahalagahin ng madla; sapagka't siyang tanglaw natin dito sa pamumuhay, dahil sa siyang nagpapakilala ng ating kahapon, nagpapaaninaw ng ating ngayon at nagtatanyag ng halos lahat na kababalaghan ng ating bukas.

Sa Istorya ay nababatid natin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa araw araw dito sa mundo: anopa't siyang dakilang gabay ng madla maging sa pamumuno't pamamayan, maging sa relihiyon ó kapanampalatayahan, maging sa kabaitan, maging sa kabihasnan at sa lahat ng ayos at paraán ng pamumuhay.

Kaya,t aní Cicerón, «Ang Istorya ay siyang saksi ně pamumuhay».