lihiyon ni Moises, ni ang relihiyon ni Mahoma ay hindi kailan man
naging mga relihiyong pagano. Pangaralan mo silang basahin ang
iyong mga sinulat at doo’y masusumpungan nila sa bawa’t hakbang
ang sinabi mo tungkol sa mga pagani. Ulitin mo sa kanila yaong
sinabi mo noong talakayin mo ang relihiyon ng mga Manikeo, na
hinango lamang sa aking mga aral at pinasukan ng ilang pagbabago, na iyo ring sinampalatayanan at nakapangyari sa iyong mga
sinulat, at hangga ngayon ay nakapangyayari sa iyong relihiyon at
minsang nakapagpaalinlangan sa simbahang romano. Totoo ngang
inilagay ko ang simula ng kasamaan sa harap ng simula ng kabutihan, na dili iba kundi si Ahura-Mazda, ang Diyos; datapuwa’t
ito’y hindi nangangahulugan na tinatanggap kong may dalawang
diyos, gaya ng iyong sinabing: ang pagsasalita tungkol sa kalusugan at sa karamdaman, ang wika mo, ay hindi nangangahulugan
ng pagtanggap na may dalawang kalusugan. At ano? -Hindi ba
nila sinipi sa akin ang aking simula ng kasamaan na tinatawag
nilang Satanas,eang simula ng karimlan? Pangusapan mo sila na
kung hindi man sila marunong ng wikang latin, ay pag-aralan man
lamang nila ang iba’t ibang relihiyon, yamang hindi rin lamang
nila maaaring mapag-alaman kung alin ang tunay na relihiyon!
Ganyan ang pangungusap ni Zarathustra o Zoroastro; datapuwa’t si Voltaire, ano ang kanyang sinabi? Si Voltaire na nakababatid ng mga isinasaysay mo tungkol sa kanyang kamatayan ay lumapit sa akin, at nakangiting hinigpit ang aking kamay, at nagpapasalamat sa akin,
— Bakit? — ang tanong ko sa kanya.
— Ang mga anak mo, mon cher Docteur de l’Eglise, mahal kong doktor ng Iglesiya, — ang kanyang tugon, — ay nangagpapatibay at patuloy ang kanilang pagpapatibay, sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, ng aking mga paninindigan sa pamamagitan ng salita ...
— At ano ba ang iyong pinaninindigan? — Na bukod sa sila’y mga hangal, ay mga magdaraya pa.
Wala akong naisagot kundi magsawalang-imik, sapagka’t may katuwiran siya. Dapat mong malamang siya’y namatay sa gulang na walumpu’t apat na taon at hanggang sa mga sandali ng kanyang kamatayan ay nanatiling maliwanag ang kanyang isip, kaya noong siya’y gambalain upang siya’y pagkumpisalin ay wa-
79