— Mon ami, katoto ko, ang may pagdaramdam na salo ni Francisco o ni Giovanni Bernardone — kung mamarapatin ng Diyos na ako’y makabalik sa lupa upang mangaral, gaya noong una, sa mga hayop at mga ibon ay mangangaral ako sa iyong mga kumbento ...”
At humalakhak siya nang gayon na lamang, na bagama’t parang tinting kapayat ay tila ba siya puputok.
Nawalang kabuluhan ang pagsagot ko sa kanila na ang kanilang mga anak ay hindi naman hihigit pa sa kabutihan kaysa inyo at kung kami’y maghahalukay ng mga basahan ay kailangang kaming lahat ay magtakip ng ilong. Ba! Sino ba ang makalalaban sa tatlo, lalo na kung ikaw ang kailangan ko pang ipagtanggol? Tatlo ba ang sinabi ko? Ano bang tatlo! Si Pedro, yaong matandang mangingisda, na parang nahalina ng halakhakan, ay lumisan sa pintuang binabantayan at isinumbat sa akin ang mga pakanang isinagawa ninyo sa kanyang mga pari, na inagawan ninyo ng mga parokiya, gayong sila’y nangauna sa inyo ng pagdating ‘sa mga pulong ito nang hindi kukulangin sa dalawampung taon, at gayong sila rin ang mga kauna-unahang nagsipagbinyag, hindi lamang sa Sebu, kundi sa Luson man.
— Alam ko na, — ang idinugtong ni Pedro, — palibhasa’y mga tamad ang aking mga anak at nangagkakalaban-laban, samantalang ang iyong mga anak ay mga sinungaling, mabunganga, at lalong makislot kaysa aking mga anak ay napapaniwala nila ang mga mangmang at kaya sila nangagtagumpay. Datapuwa’t nagagalak ako; harinangang maubos ang aking angkan!
— Iyan din ang aking ninanais tungkol sa aking angkan. — At ako rin.
— Harinawang mangyari rin iyan sa aking lipi — ang sabay-sabay na bulalas ng maraming tinig.
Datapuwa’t hindi tumugot si Pedro hanggang’ hindi siya nakapaghiganti. Kahapon ay ginawan niya ako ng isang masakit na biro. Hindi niya sinamsam ang isang balutang kahina-hinala na kipkip ng isang indiyong kararating lamang noon. Bukod pa sa riya’y hindi niya itinuro sa indiyo ang kinalalagyan ng mga tulala, bagkus isinama pa niya sa pook na aming kinaroroonan. Ang dala-dalang baon ng sawimpalad na iyon ay isang balutang punung-puno ng maliliit na aklat na sinulat mo, at ibinigay sa kan-
77