Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/81

From Wikisource
This page has been proofread.

At ang mga tandang at inahin namin ay sumusunod sa ini-
uutos niya sa kanila, at nagsisitungo na sa ibang dako upang
humanap ng makakain.

—Namamalas ba ninyo ang malaking bahay na iyan, mataas
at punung-puno ng mga pinturang bughaw at puti? —ang sabi
isang hapon sa ilang hayop na nakikinig sa kanya Diyan tumi-
tira si Siloy, na siyang gumawa ng bakurang ito, at siyang nag-
tanim ng palay at mais, at gumawa ng palikuran at darak na kina-
kain naming mga baboy, ng pusalian, ng saha ng mga saging at
ng hugas-bigas; si Siloy, na aking kinakatawan ay siyang tumi-
tira at naghahari sa bahay na iyan.

—Kung kayo'y masunurin at tumatalima sa mga utos ko,
akong hinirang na kinatawan ni Siloy, ay siyang magdadala sa
inyo sa itaas at doo'y mamumuhay kayo sa gitna ng mga butil
ng palay ng mga dakilang baboy na nagsitungo na roon, bilang
gantimpala sa kanilang katabaan at kasalaulaan. Doo'y may ma-
lalawak na pusalian, mga balat ng lahat ng uri ng bungang kahoy,
malalaking labangan.

—Piyok! —ang putol ng isang sisiw na hinuli ko noong
una upang isabong sa mga pinsan ko; —kung gayon ay naroroon
ako kahapon, dinala ako roon ni Dimas at wala akong nakitang
anuman sa sinabi mo.

Nguuuuuu!—ang angil ng baboy; si Dimas ay siyang diwang
masama at sa halip na ikaw ay dalhin sa bahay na iyan ay sa
ibang dako ka dinala upang ikaw ay linlangin.

aya ng si Siloy ay ipinalalagay na Ahuramazda ng bakuran,
akong si Dimas ay siya namang Ahriman, ang diwa ng kasamaan.
Sapaggka't napakalikot at halos kasamang lagi ang aking mga aso,
na siyang mga katutubong kaaway ng mga baboy, ay hindi dapat
pagtakhang siya'y minamasama ng mga hayop na ito.

—Ang nakita ko ay ibang mga nilikhang lalo pang mabu-
buti kaysa kay Siloy, at may lalong mabubuting bagwis.

72