sa lupang tinigang ng init ng impiyerno, at sa gayon, ang taga-
hasik ng Simbahan ay maaaring makapagtanim sa mga nadilig na
linang na yaon ng binhing maka-Diyos ng mga kautusan ng ating
Banal na Inang Simbahan."
Ako'y naaaliw na ng kaisipang makapagpapabalik-loob ako sa
isang dakilang tao, at dahil dito'y magiging maŕapat akong ma-
patawad sa mga kasalanan ko; kaya nga, nang siya'y matagpuan
ko, isang araw na nag-iisip nang malalim, sa kanyang halamanan,
ay nilapitan ko siyang taglay ang balak na kayagin ko siya sa
isang pagtatalo hinggil sa mga bagay na nauukol sa Diyos.
-Aba!- ang naibulalas niyang angkin ang katutubong katami-
san sa pakikipag-usap, nang ako'y makita niya-napapanahon ang
pagkakaparito ninyo; tingnan ninyo ang sangang itong idinugtong
sa ibang punungkahoy kung paano ang ginawa ng kalikasan . . . ka-
hanga-hanga halos.
At siya'y nag-isip nang malalim.
-Ang Diyos ang ibig ninyong sabihin -ang nagmamadali
kong pagwawadto sa kanyang sinabi.
-Maging ang Diyos o maging ang kalikasan, kaibigan, sa akin
ay iyon din ang itinugon niyang may malungkot na ngiti - Na-
babatid ninyong mabuti na isa sa maraming pagpapakahulugan ng
mga pilosopong eskolastiko sa salitang lating natura (kalikasan)
ay Deus (Diyos). Sa anu't anuman, hindi ako nanghihimasok na
makialam kung ang Diyos din ang gumagawa diyan o ang kalika-
sang itinalaga ng Diyos. Datapuwa't iwan natin ito, na isang su-
liraning tigang at walang anuman tayong makukuhang maliwanag;
ang pag-usapan natin ay kayo.
-Huwag, huwag -aniko- bagkus -pa nga'y ito ang dapat
nating pag-usapan: ito'y isang pag-uusap na lubha kong ikinalu-
lugod sapagka't marami akong natututuhan at pinatitibay ako sa
aking mga pananalig.
Malungkot siyang ngumiti at sumagot:
-Isaysay ninyo sa akin ang anumang bagay na may kinala-
man sa inyong bansa, na ibig na ibig kong makita, at gayon man,
sa palagay ko'y mamamatay ako nang hindi ko makikita. Sa aking
gulang...