5. — ISANG MAKISIG NA GUBERNADORSILYO*
Lahat ng maginoo sa Binundok ay inanyayahan: ang Kura, ang Alkalde, ang taga-usig, ang Tinyente ng Guwardiya Sibil Beterana na katatatag pa lamang, isang prayleng pransiskanong kaibigang matalik ni Kapitang Pepe, ang kura sa Tundo, dalawa o tatlong mangangalakal na taga-ibang bansa at ilan pang tao. Ang pistang ito'y inihandog ni Kapitang Pepe sa taunang pag-aalaala sa kamatayan ng ina ng kura, na nangyari sa Kalahora, at dahil dito'y sinasabi niya sa mga inanyayahan: Pumaroon kayo sa aming bahay; ipagpipista natin ang kamatayan ni Ginang Kalora, ang ina ng kura.
Doo'y maaari rin tayong dumalo kahit hindi tayo inanyayahan. Gawin natin ang ginagawa ng kadete, mga paruparong tumutungo kung saan may liwanag, tugtugan o hapunan, hanging sumisingit sa lahat ng dako, na sukat nang ang isa'y nakakakilala o hindi sa may-ari ng bahay upang silang lahat ay maipakilala o hindi.
Si Kapitang Pepe'y may apatnapu o apatnapu't limang taong gulang, pandak, mataba, malinaw nang bahagya ang kulay, mahaba ang buhok sa harap at panot sa likod, may kakitiran ang noo, bilog at maliit ang ulo, at liig na maikli at mataha. Siya'y isang taong marunong mag-anyong manlulupig o sultan kapag nakikitungo sa kanyang mga kababayan o nasasakupan, at kumilos na parang isang bubong pormal kapag nakikipag-usap sa kura at sa iba't ibang may kapangyarihan. Siya'y mayaman, may limang bahay sa daang Rosario at Anloague, at maraming pakikipagkasunduan sa Pamahalaan. Siya'y nagpapalit ng relihiyon huwag lamang makagalit ng kura, makalawang nagpapamisa sa isang linggo para sa ikagagaling ng mga kaluluwa sa Purgatoryo; kung linggo't pistang pangilin ay nakikinig ng misa ng ikasampu, at pagkatapos ay nagtutungo sa sabungan; dito'y asentista siyang nakikipagkayari sa mga pustahan. Madalas siyang nakikitang nangunguna sa orkesta upang bumati sa kura, sa Tinyente ng Guwardiya Sibil, sa Alkalde, at hanggang, kung ako'y hindi namamali, sa isang insik na kaibigang-kaibigan ng Gobernador Sibil. Pinalalabukan niya ang kanyang mga pagtatalumpati, kinakanta ang mga awit na sadyang kinatha para sa pagkakataon upang nasain ang tagumpay at ang korona para sa mabait na pari. Kilala siya sa Maynila dahil sa kanyang mga pasayaw at papiging; tinatangkilik siya ng mga kawani sa pamahalaan at minamahal nang labis ng mga sak-
36