— Datapuwa't iyo'y tungkulin ko!
— Walang pag-aalinlangan; datapuwa't ang pangyayari'y si-
nasabi ni Francisco Nava na siya lamang ang pinilit na humiwalay
sa babae niya, sa dahilang siya'y isang sawimpalad; at kung siya'y
naging iba ay hindi sana nagkagayon. At pagkatapos na humiwa-
lay ay sinabi pa umano niya: Managot ang arsobispo sa mga kasa-
lanang magagawa ko.
Dito, ang mabait na matanda ay ganap na nawalan ng pag-
didili-dili at sumuko sa Probisor at sa Probinsiyal. Ang mabait na
matanda ay naniniwalang siya ang dahilan, sa isang paraan, ng
gayong kapahamakan, at sinisisi niya ang sarili dahil sa kahinaang
ipinamalas na pagwawala-walaan sa kagagawan ng iba, kabiláng
na nito ang ilang prayle.
— Tama na, tama na, patawarin ako ng Diyos! - ang sagot
gawin ng inyong Kamahalan ang inaakala ninyong marapat gawin.
Iligtas ang sawimpalad na iyon.
— Kung gayon, ang unang dapat gawin ay magpadala ng isang
patalastas sa gubernador na kumuha ng bilanggo sa kublihan.
— Oo . . . datapuwa't nararapat ninyong palumayin ang mga
pangungusap, alam na ninyong si Don Sebastian ay matigas.
Inimpit ng Probisor ang isang ngiti at sumulat sa isang da-
hong papel ng sumusunod
"Ginoong Gubernador: Si Francisco Nava, artilyero, ay kinuha,
sa pamamagitan ng lakas, sa Kublihang inihahandog sa kanya ng
Kaligtasang makasimbahan sa kagalang-galang na kumbento ng
mga paring agustino; at dahil dito, bilang arobispo'y iniuutos
ko sa Inyong Kadakilaang tumupad, bilang isang masunuring anak
ng simbahan, at isauli dito agad ang nagkasalang nauukol sa kanya,
upang sa ganito'y makapagbigay kayo ng halimbawa ng kababaang
loob at ng pagka-mabuting kristiyano, sa dahilang kung kayo'y hin-
di tutupad ay mahuhulog kayo sa napakabibigat na parusa na sa
huli'y inyong itatangis.
"Buhat sa bahay, ngayon, araw ng lunes."
― Napakabuti,-ang sabi ng mabait na matanda at kinuha
ang papel -datapuwa't hindi ba ninyo mapapalitan nang bahagya
ang pangungusap na bilang arsobispo ay iniuutos ko; si Ginoong
- 196