Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/201

From Wikisource
This page has been proofread.


pagkakatambad sa inyong mga mata ng inyong kaabaan ay iyuko
ninyong lalong masunurin ang inyong leeg sa pamatok at nang
kayo'y maturuan sa pagiging alipin. Binata, hindi inyo, ang ka-
salanan, sa inyo ay may nalalabi pang kahit kaunti: ang pag-ibig
sa tahanan ng inyong mga magulang.

At sa pamamagitan ng pinatamis na himig ng tinig ay nagpa-
tuloy ang matanda:

—Sumalo kayo sa hapunan namin ngayong gabi, binata; ma-
tagal nang wala ako rito at kayo'y pinasasalamatan ko sa pakiki-
pagkaibigang ipinamamalas ninyo sa mga apo kong babae. Huwag
kayong tumanggi, sapagka't sa dahilang nababasa ko sa mga mata
ng mga apo ko na wala silang nakahanda, ay maaaring ipalagay
nilang ayaw kayong makihati sa karukhaan namin.

(Iwan natin silang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na
nauukol sa angkan na maaaring mahulaan na ng bumabasa, at tu-
mungo tayo sa Maynila, ang lunsod na panginoon ng Silanganan,
mayaman at pinagpipitaganan ng mga kalapit bayan nang panahong
iyon.)

V

Ang Kanyang Kadakilaan, si Ginoong Prayle Hernando Guer-
rero, ay nasa tanggapan niya, sakbibi ng lalong malaking pagka-
sindak dahil sa nangyari sa San Agustin.

Naroroon, upang punuin siyang lalo ng pagkalito, ang dalawang
prayleng agustino, isa sa kanila'y ang Probinsiyal at ang kanyang
bantog at itinatanging Probisor na si G. Pedro Monroy. Naghanda
ng isang talumpati ang Probinsiyal ng mga agustino.

-Isaalang-alang ng Inyong Kadakilaan -ang wika ng Probin-
siyal -ang kalapastanganang ginawa, hindi lamang sa Orden nin-
yo, hindi lamang sa banal na pagkukupkop ng Kumbento, na min-
sang pinagparaanan ninyo ng mga tahimik na oras, at ngayo'y hindi
na maaari dahil sa ang banal niyang kalinisan ay ginahasa; isaa-
lang-alang ng Inyong Kadakilaan, hindi lamang ang pagkapalibhasa
sa kaligtasan ng mga maka-simbahan, haligi ng pananampalataya,
batayang ng lipunan, at dahil din diya'y makapangyarihang kala-
ngan ng daigdig, kundi rin naman ang pagkakalait sa Kamaharli-
kaang maka-Diyos, sa dahilang, Kadakidakilang Ginoo, ang paglait
na ito'y hindi Sa Kumbento, hindi sa kaligtasang maka-simbahan;
hindi sa tagapagkupkop kundi sa Diyos din; isaalang-alang ng In-

192