Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/199

From Wikisource
This page has been proofread.


Sino ang nakaaalam, ang iniisip niya, kung sa paraang ito'y mahi-
mok ang kalooban ng babae at ang Diyos ay gumawa ng isang kaba-
balaghan sa pamamagitan ng pagdating niya, at humikayat sa puso.
noon? Malalakas na yabag na kanilang narinig ang nagpabago
sa kaisipan ng lahat. Ang dalawang magkapatid ay nagsitindig
na gulat na gulat at nagkatinginan.

—Ang ingkong —ani Sinag-tala na biglang namutla.
Nakikilala ni Sinag-tala ang lakad ng lahat ng mga kamag-
anak at mga kaibigan niya.

Nakapako ang kanyang tingin sa pintuan.

ng mga yabag ay naulinigang muli at sa loob ng isang san-
dali'y lumitaw ang isang matandang lalaki, iyon ding nakita natin
sa batong-buhay ng Malapad-na-bato, na dumalo sa libing ni Prin-
sipe Tagulima.

Nang mamalas ng dalawang magkapatid na babae na siya'y lu-
malapit na nakangiti at matahimik ang kilos, at nang matiyak ni-
lang siya'y hindi isang multo, ay inabot agad ang mga kamay upang
hagkan, datapuwa't sila'y hinaltak niya at niyapos.

Hindi napigilan ng dalawang dalaga ang mga luha at tumangis
sila sa kaligayahan.

—Sino ang binatang ito? — ang tanong ng matandang lalaki,
sabay turo kay Martin.

Siya'y isang apo ni Gad Sindana,¹¹ —ang sagot ni Sinag-tala,
at tinuturuan niyang tumugtog ng kudyapi si Maligaya.

—Ah! —ang bulalas ng matandang lalaki at magiliw na nag-
pugay kay Martin —si Gad Sindana ay anak ni Gad Tandul na
nakilala ko nang siya'y bata pa: siya ang lalong matapang nang
kanyang kapanahunan at namatay na puno ng kaluwalhatian at
mga karangalan bago dumating ang mga kastila. Maligaya siya!


______

11 Ang Gad o Gat ay isang titulong pangkarangalan o pangkamahalan,
katulad ng Kagalang-galang o Maginoo, at siyang pamagat ng ginagamit
ng mga maharlikang taga rito nang panahong bago pa umahon dito ang
mga kastila.

190