bayang iyon. Ang balita’y nakatawag ng kalooban ng mga naninirahan sa Biktoriya na may kinalaman sa Kapuluan, lalo na ng mga
korporasyon ng mga prayleng may malalaking pag-aari roon at
ninanais nilang mapanatili, anuman ang mangyari, ang kanilang
mabuting pangalang pinag-aalinlanganan at sa maraming pangyayari’y napanganyaya.
Sa gayon, ang nangyari isang umaga, samantalang si Hesus ay nagdidilidili sa kanyang silid sa otel ay tumanggap siya ng pagdalaw ng isang maginoong may mga kilos na lubhang malumanay, mga salitang napakatamis at magalangin sa bawa’t hakbang.
— Ipagpaumanhin ninyo — ang sabi ng di-kilala — na ako’y humarap sa inyo sa ganitong ayos at marahil ay makagambala sa inyo, nguni’t narinig kong binabalak ninyong pasa Pilipinas upang makapagliwaliw.... upang mapag-aralan iyon marahil ... sanhi marahil sa isang utos ng pamahalaan ... o marahil ay upang sumulat ng isang aklat . .
At ang di-kilala’y ngumingiti, nguni’t si Hesus ay nagpapailing-iling ng kanyang ulo sa anyong alanganin, na anupa’t hindi naaring maunawaan ng di-kilala ang bagay na binabalak gawin ng manlalakbay.
— Yamang nakikilala namin ang bansa — ang patuloy ng di-kilala at kami’y maraming kaibigan at kapanalig doon ... kami ............ ay iyong kabutihan!
— At ikaw, o Maykapal, natalong Diyos ng aking mga ninunong mangmang, ikaw na tumakas dahil sa karuwagan nang dumating ang mga agustino’t ibang prayle, ikaw ay pinasasalamatan ko dahil sa mga matipunong kalamnang ipinagkaloob mo sa akin upang ipagdiwang ang mga kaiga-igayang bagay na nilikha ng Diyos ng mga malalakas, ang iyong panginoo’t mananalo! Ang mga ninuno ko’y hindi naging matapat sa iyo, nguni’t ngayon ay naipaghiganti ka na sa kanilang karuwaga’t kapabayaan! Kung ikaw ay maaaring makakuha ng pasaporte at ninanasa mong dumalaw sa dati mong kaharian, iyan ay gawin mo at ikaw ay makakakita ng mga bagay na lubhang hindi pangkaraniwan. Ang Tikbalang at ang Tiyanak, ang mga dati mong kasama, ay naroroon pa at kami na rin ay hindi nakaunlad kahit na isang hakbang sa relihiyon; makikilala mo agad ang mga apo ng mga sumasamba sa iyo, at kung ikaw ay may bahagyang pagkatuso at ninanasa
154