Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/124

From Wikisource
This page has been proofread.


tinulinan ang lakad. Sumikdo-sikdo ang loob at dumalangin sa lahat ng santong pintakasi at nangako pang magpapamisa, huwag lamang siyang makagalitan.

Nang makaakyat sa hagdanan ay sinalubong sila ng isang alilang nagsabi ng marahan.

— Kayo raw po ay magsiuwi na, ang wika ng among.

— At bakit? — ang tanong, sa mangha ni Kap. Lucas.

— Galit pong galit . . . Kanina pa po kayo inaantay. Sabihin ko raw sa inyong siya’y hindi bihasang mag-antay sa kanino man.

Namutla si Kap, Lucag at kaunti nang himatayin nang ito’y marinig. Nautal at hindi nakasagot kapagkaraka, nagpahid ng noo, at sumalig sa bunsuran.

— Galit ba. . . ano ba ang ikinagalit?

— Ewan po! — ang bulong ng alila. — wala pong makalapit. Inihagis po sa kosinero ang tasa ng tsokolate.

Nagpahid na muli ng noo si Kap. Lucas, at hindi nakaimik.

— Si aleng Anday .. . nariyan ba? — ang naitanong na marahan.

— Narito po, nguni’t nakagalitan pati — ang sagot ng alila At idinugtong na marahang-marahan:

— Sinampal po!

Napanganga si Kap. Lucas at nawalan ng ulirat. Sinampal si aleng Anday! Pinutukan man siya sa tabi ng lintik ay hindi gaanong nagulat paris ng marinig ang gayong balita. Sinampal si aleng Anday, gayong si aleng Anday lamang ang sinusukuan ng kura.

May tumikhim sa loob.

— Kayo po’y umuwi na at baka kayo marinig ng pare ay ka yo’y hagarin! — ang idinugtong ng alila.

Hindi na ipinaulit ni Kap. Lucas ang hatol ng alila; nanaog na dali-daling kasunod ang lahat na maginoo sa takot na baka siya labasin ni P, Agaton na dala ang garrote.

115