Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/122

From Wikisource
This page has been proofread.


sapagka't poot sa kanya ang lahat niyang sakop at sawang-s
na sa kanya ang bayan. Sa mukha lamang ng isang tagasulat
tila niya nasiglawan ang awa, sa mukha ni Isagani, nguni't awang
walang kibo, awang walang kabuluhan, paris ng awang nakagu-
hit sa mukha ng isang larawan.

Upang mailihim ang pangamba at takot, ay nagtapang-tapa-
ngan at naggalit-galitan. Nagmasid sa paligid at naalaala ang
utos ng kura tungkol sa susunod na linggo de Ramos. Pinagwi-
kaan nga ang mga kabisa at inuusig sa kanila ang kawayan at
haliging gamit sa maligay. Tinamaan silang lahat ng lintik at
ang ibig nila'y makagalitan ng kura. Palibhasa'y hindi sila ang
mananagot. Ano ang ginagawa ng mga kinulugan at hindi nagpa-
hakot ng kawayan? Itatali ba nila sa langit ang tolda? Ipaha-
hampas niya silang lahat ng tig-iisang kaban kapag siya'y naka-
galitan ng kura sa kagagawan nila . . .

Iba't iba pa ang sinabi at sa paggagalit-galita'y nang matapos
ay tunay na ngang galit. Ang sagot ng mga kabisa'y may pana-
hon pang labis, sapagka't kung ipapuputol agad ang kawayan at
haligi'y matatalaksan lamang, siyang ikagagalit ng among at baka
sila'y hagarin ng palo, paris na nga ng Kandelariyang nagdaan.

Sa ngalan ng kura, hindi na nakaimik si Kap. Lucas, lalong-
lalo na nang mabanggit ang panghahagad ng palo. Nakinikinita
niya sa likod ang kalabog ng garroteng pamalo. Nanglambot at
nag-akalang umuwi't magdahilang maysakit, nguni't sumilid sa
loob niyang baka lalong magalit ang pare dahil sa di niya pag-
halik sa kamay. Maurong-masulong ang kanyang kalooban, kunot
ang noo, ang dalawang daling noong kaloob sa kanya ng Diyos!
nagtatalo ang loob niya sa dalawang takot, sa bulas ng kura na
kaharap ang lahat, at sa galit ng kurang hindi siya papagkapi-
taning muli.

Siya ngang pagdating ng isang alila ng paring nagdudumali.

—Dali na po kayo ang sabi sa Kapitan at kayo po ay
inaantay. Totoo pong mainit ang ulo ngayon!

—Ha, inaantay ba kami —ang sagot na baliw ni Kap. Lucas,
na matulig-tulig —Oy! dali na kayo —ang sabi sa mga kabisa
—narinig na ninyo: tayo raw ang inaantay . . .

—Aba, kayo ang inaantay namin, ang sagot ng mga kabisa
—kanina papo kaming . . .

113