Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/12

From Wikisource
This page has been validated.



dagat. Hindi pa natatapos ni Vulcano10 ang mga lintik na ipinagbilin mo upang sandatahan ang buong Olimpo; at ang mga ito'y kanyang tinatapos. Tungkol naman kay PLUTON11...
JUPITER — (Hahadlangan si MERCURIO) Sukat na! Hindi ko naman sila kinakailangan. HEBE,12 at ikaw, GANIMEDES,13 ipamahagi na ninyo ang nektar upang mainom ng mga walang hamatayan.
(Samantalang tinutupad ni HEBE at ni GANIMEDES ang kanilang tungkulin, ay dumarating naman sina BACO14 at SILENO15, itong huli ay naglalakad, at ang una ay nakasakay sa isang maliit at pandaking kabayong babae, may dalang isang "tirso" o tungkod na may mga sangang may bulaklak at napuputungan ng mga kulay-luntiang "pampano", at umaawit;
"Ang ibig mabuhay
at nais magsaya,
iwan si Minerva;
ang aking ubasa'y
siyang alagaan . .""
MINERVA (Sa malakas na tinig.) Manahimik ka! Hindi mo ba namamalas na ang makapangyarihang si JUPITER ay nagsasalita?
SILENO At ano? Nagalit ba ang tumalo sa mga Titanes?16 Ang mga diyoses ay umiinom ng nektar: samakatuwid, ang kahit sino'y makapagpapahayag ng kanyang kaligayahan, sa kaparaanang maibigan niya; nguni't nakikita kong ang nag-aaral sa akin ay tila nakapoot sa iyo, at ang gayo'y dinadahilan mo...

10 Vulcano, ito ang diyus-diyusang tagagawa ni Jupiter ng mga kasangkapan niyang panumpa o pandigma, na gaya ng lintik, kidlat at iba pa.

11 Si Pluton ang pinaniniwalaan nilang hari o diyos ng impiyernong parusahan ng mga makasalanan.

12 Si Hebe ay isa sa mga pangalawang diyus-diyusan.

13 Si Ganimedes ay isa rin sa mga pangalawang diyus-diyusan na tagapag-alaga ng mga agila at iba pang mga hayop na may pakpak.

14 Si Baco ang ipinalalagay na diyus-diyusan ng walang-hanggang tagsibol, kasariwaan, katuwaan at kasiyahang-loob.

15 Si Sileno ay isang pangalawang diyus-diyusan na nagagamit sa anuman ni Jupiter.

16 Ang mga Titanes (kung iisa ay Titan) ay mga kagilagilalas na mga tao noong di na maalaalang panahon, na nakagalitan ni Jupiter, sapagka't nagbunton ng suson-susong bundok upang makapanhik sa Olimpo (langit ni Jupiter).


3