Datapuwa’t habang nalalapit ang maligayang araw, ay lalo namang nag-uulol ang pagkamalungkutin at pagkawalang-kibo ng binata, Nawawala siya nang mahahabang oras, at sa kanyang pagbalik ay para siyang matamlay, at kadalasa’y hindi sumasagot kung siya’y kinakausap.
Sa kinagabihan ng araw na sinusundan ng kasal, pagkapanggaling sa bahay ng kanyang kasi, ay napakita sa kanya ang isang dalagang walang makakatulad sa kagandahan.
— Hindi ko na sana ibig na ako’y iyo pang makita, — anya, sa isang matamis na himig na may halong panghihinayang at pagkahabag, — nguni’t ako’y kailangang parito upang dalhin sa iyo ang aking handog, ang kasuutan at ang mga hiyas ng iyong niakakaisang-dibdib. Kinalinga kita at inibig, sapagka’t namalas kong ikaw ay mabait at masipag at inasam-asam kong itatalaga mo sa akin ang iyong sarili.6 Hayo na! Yamang kinakailangan mo ang isang pag-ibig na makalupa; yamang hindi ka nagkaroon ng lakas ng loob upang makibaka sa isang malupit na kapalaran, ni upang maipagtanggol ang iyong kalayaan at maging malaya sa sinapupunan nitong mga’ kabundukan; yamang hindi ka nagtiwala sa akin — sa aking tatangkilik sana sa iyo at sa iyong mga magulang — humayo ka na; ipinauubaya na kita sa iyong kapalaran; mamuhay ka’t makipagbakang nag-iisa; mamuhay ka kung paano ka makapamumuhay.
Pagkawika nito’y umalis ang dalaga at nawala sa gitna ng dilim Naiwan ang binata na walang kagalaw-galaw at wari’y naging bato. Makaraan ang ilang sandali ay humakbang ng makalawa o makaitlo, na para bagang susundan ang dalaga, datapuwa’t ito’y nawala na. Walang kibong dinampot ang balutang iniwan ng dalaga sa kanyang paanan at tumuloy sa kanyang bahay. Hindi isinuot ng babaing ikakasal ang damit, ni iginayak ang mga hiyas, at sapul noon ay hindi na muling napakita si Mariang Makiling sa mga magbubukid.6é
5 Ang pag-ibig ni Mariang Makiling sa binata ay di mapag-aalinlanganang isang pag-ibig na nasa-diwa’t kaluluwa lamang. hindi pag-ibig sa laman. Dahil sa pag-ibig na yaong udyok lamang ng diwa at ng banal na hangarin at hindi makalupa, na niwalang halaga o hindi naunawaan, marahil, ng binata, si Mariang Makiling ay nagtampo at nagpakalayu-layo.
6 Ang pagtatampo ni Mariang Makiling ay lalo nang sumidhi at nagtibay dahil sa hindi pagsusuot, marahil, ng napangasawa ng binata, ng handog niyang damit pangkasal at mga hiyas.
107