Ang lahat nang ito’y maging alang-alang sa kapurihan nawa ng
Diyos at ng inang Espanya!
At pagkaalis na pagkaalis ng naghahari-hariang indiyo ay ipinagpapatuloy ng mga prayle ang pagtuturo, hanggang ang pamahalaan, sa sulsol ng mga magulang, ay hindi sila tagan ng pagtuturo. Ang pagtuturo ay isang mabigat na kasalanan, sapagka’t ito’y nagsasapanganib sa kabuuan ng inang-bayan.
— Ang Ministro ng mga Lupaing Sakop sa Ibayo ng Dagat, — ang tawag, isang araw, sa Maynila buhat sa Madrid sa telepon) ng prokurador ng mga prayleng Agustino — ang Ministro de Ultramar, sa kahilingan ng mga indiyo ay naghahandog sa ating korporasyon ng isang asyenda upang ang mga pare ay huwag mamatay ng gutom at mabuhay nang may kaunting kaluwagan, Ano ang isasagot sa kanya?
Inihatid ito ng telepono sa kumbento ng mga prayleng Agustino.
— Hesus! Hesus! Banal na Diyos, Diyos na malakas, Diyos na walang kamatayan! Huwag mo kaming ipahintulot sa anumang tukso — ang bulalasan ng lahat ng prayle nang kanilang marinig ang balita, kasabay ng pagluhod at pagtatakip ng kanilang mga tainga.
— Panginoon, Panginoon — ang hibik ng Paring Probinsiyal, na dinadagukan ang kanyang dibdib. Ang kanyang pagdagok ay totohanan at hindi pakitang-tao lamang, gaya ng ginagawa ng isang nagtatangkang luminlang sa mga nananampalataya upang ang mga ito’y makunan ng ilang kuwalta. — Naipanganyaya ko ang kaluluwa ni Salvadorsito noong siya’y ipadala ko sa Madrid upang magprokurador. Siya’y lubhang mabait, lubhang mababa ang loob, totoong walang pagmamarangya, totoong tapat ang loob, totoong walang kibo, totoong malinis, totoong mapaniwalain noong siya’y naririto pa! -Ngayon, siya’y napariwara! Magmungkahi sa amin ng ganyang mga panukala . . . na lubhang makasalanan! Naku, ay! naku! Domine, quare dereliquisti eum, Panginoon, bakit siya’y iyong pinabayaan?
At ang buong kumbento ng San Agustin ay naghihibikan, nagdaragukan sa dibdib at naghahampasan ang isa’t isa upang makapagsisi ng kanilang kasalanan at mapabalik sa tuwid na landas ang kaluluwa ni Salvadorsito Font.
93