—80—
Ikalabingtatlong Pangkat.
Dating ugali tungcol sa Pag-
aasawa.
Lahat ng lupain ay may canicanyang caugalian sa pag-aasawa, at ang Pilipinas, palibhasa'y isang lupain, ay may sarili ring caugalian tungcol sa bagay na ito.
Sang-ayon sa ugaling ito cung nag-aasawa ang sinoman ay pinagsisicapan na ang maging asawa ay caangcan at cabalangay, maliban sa lubhang malapit na camag-anac na ibinabawal.
Ang sino man ay hindi nacapag aasawa ng hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinanganğanlang sandil; datapwa't sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali ng iba ang asal ng camorohan na nagaasawa ng dalawa ó tatlo, bucod pa sa mġa kinacasama.
Sa pag-aasawa naman ay kinauugalian na ang maginoo ay sa kapwa maginoo, ang timawa ay sa kapwa timawa at ang alipin ay sa kapwa alipin; nguni't naghahalo-halo rin kung minsan, ano pa't mabuti (ani Rizal) kay sa dating ugali sa Roma at sa ibang lupain sa Kanluran ó Europa na ang may mababang uri ay hindi na