Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/80

From Wikisource
This page has been validated.


— 75 —
Ikalabing isang Pangcat.
________
Sasakyang-tubig.


Ang mga tagarito ay gaya rin ng hapón at ibp. na nagkaroon ng kanilang mga sasakyan-tubig na ayon sa kanilang katha. Kung paano at saan nila pinag-aralang gawin ay di natin batid, bagá man sa akala ko'y sa kamalayahan. Ang mga sasakyang ito ay siya nilang ginamit sa pamamalakaya ng isda sa pagtawid-tawid at pagkakalakalan at gayon din sa pakikidigma.

Tungkol sa mga sasakyang ito, ani Morga, ay sarisaring hitsura. Ang iba'y mga bankáng lulanán ng kanilang mga kalakal na mga isinasadsad cung gabi sa mga pasigan at baybayin, at ang iba sa mga ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang pinapagduopdúop. Ang mga ito ang canilang ginagamit sa mga ilog at bangbang na nangaloloob sa lupain. Nagsisigamit din ng mga balangay na malalaking sasacyan at matutuling patacbuhin maging sa unahan at maging sa hulihan at nacapaglululan ng maraming mangagaod sa magcabicabilang panig at napatutulin ng tulong ng saguan, pangaod at tikin habang tinitimbangan