na bibigasin, at maghanda ng bala na, mag-alaga
ng manoc at baboy at mangasiwa ng bala na sa
bahay, samantalang ang mga lalaki naman, ay
siyang sa pagbubukid, sa palaisdaan, sa pagda-dagat at pangangaso." Ano pa't dito sa licás ng
canilang pamumuhay ay malinaw na natatanghal
ang matuid na gampaning isinatao ng Maycapal,
na ang magaang gawa ay sa babae sapagca't
mahina at ang mabigat ay sa lalaki sapagca't
malacas.
Sa acalá co, sa hangang dito ay sapat ng makilala ang asal ng tagarito sa canilang kilos at galaw, nguni't hindi lamang ito. Sa wica man ay namamalas rin ang asal, palibhasa't siyang calulua ng bayan: at sa wicang tagalog hangang ngayo'y nababacas pa sa mga batian ang tawag na Ale, mang ó mama (amain) Ginoó at iba pa na nagpapakilala ng pageamagalang; at gayon din ang tawag na ka gaya ng ka Maneng ka Biang at iba pa na nagpapakilala ng pagcacapatiran.
Sa catagang sabi nga ay di asal gubat na gaya ng sabi ng ibang mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin ng alin mang lupaing may inimpoc na bait.