Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/72

From Wikisource
This page has been validated.
— 67 —
Icasiam na pangeat.
----
Asal at gawi
-----

"Ang mga tagarito"; ani P. Chirino. "ay hindi gaya ng mga insic at hapón na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may sariling bait at asal. Lalong lalo na ang mga tagalog na sa salita at sa gawa ay mga magalang at mapagbigay loob. Nagsigaya sa atin (sa kanila na mga kastila) ng pagbati na nag-aalis ng putong na isang toalla ó diadema. Ugali rin na di tumatayo sa harap ng mga taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa ng di lubhang sayad na nag-aalis ng takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipagusap sa nakatataas sa kanila. Ang pag-galang na inuugali sa pagpasok ó sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat ang isa ó dalawang kamay sa mukha: iduop sa mga pisngi, at saka maupo ó maghintay kayang tanungin ng ibig; inaaring masama ang magsalita, kung hindi tinatanong......"

Sayang at di nasiyasat ni P. Chirino ang dahil ng mga ganitong galaw, na marahil ay may catuturan. Sa India ay may isang bayan na cung magbatian ang mga tao ay tumitigil muna saca