Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/61

From Wikisource
This page has been validated.
— 56 —


inapó ng mga nagsialis dito noong unang dako na nangamayan sa ibang lupain at di na namin nangabalitaan» (basahin ang Pinangalingan ng Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patungo sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa mga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin ng pagka. kaunawaan ng mga portugés, kasfila't italiano sa kanikanyang wika.

Datapua't sa mga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang mga pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka't ang karamihan ng salita ay magkapara at ang kaibahan ng ibang mga salita ay nasa dulo lamang, na pagka in sa tagalog ay un sa bisaya, gaya ng sulitin ay sulatun, kanin ay kanun, patayin ay patayun. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat ng wikang malayo polinesia, at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko ngang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang tagalog ang mga kainaman ng apat na pinakapangulong wika dito sa sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo