Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/58

From Wikisource
This page has been validated.
— 53 —

Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa panginoon at tatlo'y sa kanyang sarili.

Ang aliping námana ng dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila ng ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon ng kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin.

----
Pagcalayà ng alipin.
----

Ang mga aliping sagigilir at namamahay ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa panginoon ng katampatang halagá.

Ang halaga ng salaping dapat ibayad ng aliping sagigilir upang maging aliping namamahay ay limang putol na ginto ó higit pa, at saká ang kalahati ng boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok ó banga sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upang lubos na mawala sa pagkaalipin at maging timawà 6 maharlika ay kailangang magbayad ng sampung putol na ginto ó higit pa.