Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/56

From Wikisource
This page has been validated.
— 51 —


anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.

Inaalipin din ang lumabag sa isang pangulo ó maginoo na gaya halimbawa ng magdaan sa silong bukiran nila, ó makasira ng ano mang pag-aari nila. ó makatapon kaya ng ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala ng ano man sa mga kabahay ng pangulo, at iba pa. Ang mga anak ng talagang alipin na ay alipin din.

Ang mga anak ng amáng laya at ng inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay ma giging gaya ng sa bugtong na anák.

----
Mga di lubos na alipin.
----

Ang bugtong na anák ng isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahati lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod ng salisihang buan, sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya. (1)


(1) Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa mga panganoring malayo-pilipino, dahil sa isina sa isa't isa ang kaukulang matuid.