Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/44

From Wikisource
This page has been validated.
— 39 —


masumpungan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, nguni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:

Una. —Dinádalá ang mga pinaghihinalaan saisang dakong malalim ng ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim ng tubig upang kung pasisirin ay makapanguyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.

Ikalawa. —Naglalagay ng isang bató sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa mga pinagbibintangan at ang umayaw ay siyang nagbabayad ng nánakaw.

Ikatlo. —Pinapagtatangan ang mga pinagbibintangan ng tig-isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.

Ang parusa namang inilalapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli ng hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa ng isang gayon. Kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay nilalapatan ng parusang kamatayan ó kung dili ay inaalipin ang nagnakaw sampûng asawa't mga anak.