Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/42

From Wikisource
This page has been validated.


— 37 —


asawa, kungdi magbayad ng isang gayong halaga na paratang ng mga datò. Ang paratang na ito ay mulâ sa isang putol na ginto hangang tatlo ayon sa paratang ng balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balangay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng balangay na aalisan ang balangay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang mga anák ng mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balangay.

----

Katungkulan ng mga kampon sa isang balangay.

----

Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng buis, nguni't napatutulong ng pangulo sa kanyang mga kailangan, gaya sa pagtatayo ng kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; nguni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng mga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.