—122—
tong asal ng dagat ay pinasibulan ng isda ang
dagat at pagkatapos upang makaganting lubos sa
pagkapangahas laban sa kanya ay inihagis sa
dagat, di umano, ang lahat ng kapuluang ito
upang ang dagat ay mapasuko at upang ang
kanyang mga tubig ay maglagos sa iba't ibang
dako at huwag mangyaring makapagmalaki at
ito ay pinagkapasimulan ng mabario na ang ibig
sabihin ay paghihigantihan sa pag-api kaya diumano'y naging kaugalian dito ang panghihiganti hangang sa di masiyahan. Saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan, ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong naging lalaki at babae na nabangit na (si Sikalak at si Sikahay). Di umano pa ng
manganak si Kariuhi (isa sa mga anak ng mğa
unang tao marahil ay nanganak ng lubhang
marami, at nangyari isang araw na pumasok sa
bahay ang ama na lubhang galit at sapagka't
binalaan ang mga anak ay nangagsitakas sa takot
anopa't ang iba'y nangagsipasok sa mga silid na
totoong kublí, ang iba'y sa mga silid sa dakong
labas ang iba'y nagsikubli sa mga dinding, ang
iba'y nangagsipanaog na tumungo sa dakong da
gat. Anila'y yaong nangagsipasok sa silid na
totoong kubli ay siyang pinangalingan ng mga
maginoo, yaong mga napa sa silid sa dakong
labas ay siyang pinangalingan ng mga timawa,
yaong nangagkubli sa dapugan ay siyang pi-