—120—
langang sila'y mag-isang dibdib upang magkaroon ng mga tao sa sanlibutan, at sila'y nag-isang dibdib at nagka-anak. Ang unang naging anák
nila ay lalaki at pinanganlang Libo, at ang sumunod ay babae, at pinanganlang Saman, at
ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak
ng isang babae na pinanganlang naman nilang
Lupluban. Itong si Lupluban ay nakipag-isaug
dibdib sa isang anak na lalaki ng mga unang
tao (marahil ni Sikalak at ni Sikabay) na ang
pangala'y Pandaguan at ang mga ito ay nagkaanak ng isang lalaki na kanilang pinanganlang
Arion. Si Pandaguan, di umano'y siyang unang
kumatha ng mga palaisdaan upang mamalakaya
sa dagat, at ang unang nahuli ay isang pating,
at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala
niya'y hindi mamamatay; nguni't pagkaahon sa
kati ay namatay:, ng makita niyang patay ay
pinasimulang alayan ng mga hayin at tuloy
tinangisan, at tumawag sa mga Diyos, na may
namamatay, dahil sa wala pang namamatay noon;
pagkarinig naman di umano ng Diyos Kaptan ay
sinugo ang mga langaw upang tignan kung
sino ang patay, at sapagka't hindi makapangahas lumapit ang mga langaw ay bukbok ang si-
nugo na siyang nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'y nagalit ang Diyos Kaptan
dahil sa pagkakaalay ng mga hayin sa isang
isda. Sa pagkagalit na ito ng Diyos Kaptan ay