Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/118

From Wikisource
This page has been validated.


— 117 —


ang tabing ng pagkakaisa at sa harap ng luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik ng kamay ng Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa borak at nagbalik sa Mekka.

Mula noo'y itinanyag ni Mahoma ang mga salita ng angel Gabriel na ngayo'y nasusulat sa Koran na dasala't banal na kasulatan ng mga mahometano.

At sa kagandahan di umano ng pagmumukha ni Mahoma, sampu ng kanyang ugali't asal at ng kanyang matamis na pananalita na kalakip ng kanyang kabanalan, ay pinanaligan siya, at hangan sa paniniwalaang siya'y sinalubong uğ mga punong kahoy, binati ng mga bato sampu ng tubig, nagpakain sa nagugutom, nagpagaling ng may sakit at bumuhay ng patay. Bukod dito'y ipinalagay ng marami na ang mga salita ni Mahoma ay puspos na mga aral ng katotohanan at ang kanyang mga gawa ay pawang uliran ng kabanalan (baga man ang dating kaugalian ng panahong yaon na gaya ng pag-aasawa ng higit sa isa at ibp. ay di niya pinawi); dahil sa ganang kanya'y wala ng gaya ng manalangin, magkulasyon at maglimos, sapagka't sa kanya ang pagdalangin ay nakapapatnubay hangang sa kalahatian ng daang patungo sa Diyos, ang pagkukulasyon ay nakapaghahatid hangan sa pintuan ng tahanan ng Diyos at ang paglilimos ay siyang