Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/102

From Wikisource
This page has been validated.


— 101 —

Ang Diyos Bathala ring ito ay mayroong maraming Tagapangasiwa dito sa sandaigdigan na siyang nangangasiwa sa kanikanyang kinaroroonan. Ang mga ito'y ang mga pinanganganlang anito ng mga Tagalog, na ang iba'y nangangansiwa sa mga magsasaka, ang iba'y sa mga magdadagat, ang iba'y sa mga nandidigma, ang iba'y sa mga sakit at ibp. Bawa't isa nito'y may kanikanyang pangalan at siyang mga pinakapintakasi kayat ang kanilang pasintabi't hayin ay naririnig at namamalas sa lahat ng dako dahil sa ganang kanila'y may pintakasi saa't saan man, mapa sa kati't mapasa tubig at mapa sa lupa't mapa sa langit: anopa't ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno ng mga pintakasing anito nila.

Ang karamihan nitong mga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang mga kanunuan (1) na lubha pa yaong nanġabantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan ng mga dating Tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang mga namamatay.

Bukod dito sa mga anitong nabangit ay kumikilala sa mga larawang sarisaring hugis na kanilang iniingatan sa kanikanilang bahay at gayon din sa mga yungib na pawang inaalayan ng mĝa pabango, pagkain at mga bunga ng kahoy. Ang mga hugis di umamo ng mga ito ay nangakahalo-


(1) Ang mga taga Grecia noong una ay may ganito ring pananampalataya, na ang sandaigdigan ay punô ng canilang mga bantog na canunúan an pinipintacasi nila.