Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/10

From Wikisource
This page has been validated.
— 5 —

Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinang̃o ko sa mg̃a aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa mg̃a paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa mg̃a aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa mga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong ng̃ lahat ng̃ kasaysayang kailangan, ng̃uni't inaasahan kong ito ang mg̃a pinakamahalaga. Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J. H. Lamb. at kay Dr. James B. Rodgers na nang̃agkatiwala sa akin ng̃ kanilang mg̃a aklat na nabangit ko sa unahan nito na ngayo'y mahirap mang̃asumpung̃an.

Sofronio G. Calderon.