Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/79

From Wikisource
This page has been validated.


— 76 —

Gahilingang lahat naganap pagdaca
nang ingay na bato niyang encantada,
maguising ang hari niyong maumaga
ng siya,i, dumungao ay naquita niya.

Ang uica ng hari naniniuala aco
ang aquing manugang ay may sa encanto,
sino,t, alin baga sa balat nang mundo
sa ganyang calaqui madadala dito.

Isa pa,i sa gabi at hindi sa arao
ang pagca pagbuhat nang bahay na iyan,
caya pala iyan ay napacayaman
ay may sa encanto na na iingatan.

Sa real palacio,i, ipinatuag na
si Jua,t, princesang si Doña Leonilla,
nang dumating doon uica sa canila
mabuti at cayo ay naririto na.

Ngayon ay aco ay mag papabando
na mangag si pag-gayac ang tauo sa reino,
mga bahay bahay lagyan nang damasco
calle ay tabingat, mangag linis cayo.

Muralla,i, gayon din na ipinagayac
sampong artificiong caguila-guilalas,
at sa coronacion sa arao nang bucas
ang lahat nang ito,i, sususuhang lahat.

Corona sa ulo ay ng maputong na
cay Don Juang Tamad na manugang niya,
nagsayang totoo reino nang España
ang lahat ng tauo ay nangag viviva.