Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/69

From Wikisource
This page has been validated.


— 66 —

Ipagparito co sa haring monarca
bunying si D. Feliz amá niyang sinta,
isang arao ngani nanunungao siya
sa real palacio loob ay nagtacá.

Natanauan niya,t, tinamaang titig
na sa cabunduca,i, may nacadudulit,
ang casi,t, esposa na si reina Inés
tinauagan niya,t, ganito ang sulit.

Tingnan mo,t, pagmasdan yaong cabunducan
na may nag niningning at quiquirao quirao,
nang una ay uala na capara niyan
cun tamaang sinag ay di matitigan.

Ang uica ng reina sa haring esposo
diua,i, yaon yata bundóc nang Cantabro,
ay di baga roon ipinatapon mo
sa bundóc na yaon ang anác tang lilo.

Ang sagót ay oó nang haring monarca
ang mabuti caya ay ipavisita,
pinagcaisahan nilang mag-asaua
nang oras ding yao,i, nag-utos pagdaca.

Tamauag na siya nang manga soldados
at pinaparoon sa Cantabrong bundóc,
cami ay mayroon na napapanood
nanag niningningan ibig na matalós.

Nagbiglang lumacad ang mga soldado
at tinungo nila bundóc nang Cantabro,
ang pinagtatac ha,i, naquitang totoo
bahay na malaquíng cariquita,i, hustó.