— 64 —
Sa manga saysay mo na aquing naringig
damdam co ay aco,i, parang napa Langit,
acala nang tauo,i, ang asauang ibig
ay nalang cuenta,t, nasangoy nangibit.
Pag ang Dios palá ang may calooban
ay uala sinomang sucat macaalam,
marami at madlang nag uiuicang tunay
catauan co,i, uala na carurumatnan.
Ngayon ay sa aua nang Poong si Cristo
ay na sa ligaya at payapa aco,
sa nangyaring buhay na pinagdanan co
ang, cutyá nang tauo ay di mamagcano.
Salamat sa Dios at sa Ináng Virgen
di na magluluto tayo nang cacanin,
mabuti at iyo na ipinalining
ang casangcapan mo,i, sinabi sa aquin.
Ani Juan Tamad esposa cong hirang
daluang anác natin ay anong pangalan,
ibig cong matanto sa iyo,t, maalman
manga ngalan nila sa aquin ay turan.
Pangalan nang isa,i. Antonio de Risa
at ang isa nama,i, Feliz de Carcaja,
matanto ni Juan uica cay Leonila
tunay cọ ngang anác mga batang dalua.
Aquing sasabihin esposang sinta co
significang dala mga apellido,
ang isa,i, sa taua ipinaglihi mo
isa,i, sa halac-hac dahilang totoo.