Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/65

From Wikisource
This page has been validated.


— 62 —

Lutong masasarap ay ilagay agad
sa lamesang guintó,t, lagyan nang alfombras,
sa alfombrang yaon ay ang nababatbat
ay hilo de oro na nag quisáp quisáp.

At pilac na lahat yaong manga silla
gamit na cubiertos guintóng para-para,
manga servilleta ay pulos na tela
may hilo de orong macaliligaya.

Ang manga matamis sarisaring bagay
sa lamesang perlas doon malalagay,
manga asistente pagcain sa duiang
ay tatlong castila bucod ang utusán.

Saca tatlong damang pulós magaganda
magsisilbi yaon sa aquing asaua,
ang lahat nang ito,i, ganaping dali na
cami,i, nagugutom ibig cumain na.

Nasunod na paua manga cagustuhan
na isang comidang hustong cagayacan,
conforme ang hingi guinanap na tanan
batóng encantado niyang casangcapan.

At saca tinauag anác at asaua
halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na,
nang matingnan yaon na handang comida
lalo nang tumangap daquilang ligaya.

Namamanghang lubós manga calooban
ang comidang handa ay napacainam,
manga gamit ditong manga casangcapan
ay guintó at pilac na nag quiquinangan.