— 59 —
Umalis si Jua,t, naparoon lamang
sa hindi na nila siya matatanao,
saca yaong ingat canyang casangcapan
batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.
At uinica niyang icao aquing bató
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
ngayon di,i, madaling dito,i, itayó mo
yaong isang bahay sa diquit ay husto.
Sahig at quisame ay salaming lahat
at ébano naman ang cahoy na sangcap,
hagdanan ay puro na lantay na pilac
na macatutoua sa matáng mamalas.
Ang dingding ay pauang esmaltadong tunay
ng mga brillanteng sa ningning ay sacdal,
ang salas ay pilac at perlas na lantay
templo ni Salomón halos pang laluan.
Sa loob nang bahay lagyan nang pamuti
sari-saring mutyá rubí,t, esmiralde,
cortina ay pauang batbat nang brillante.
sa matáng titingin ay macacauili.
Ang bubong nang bahay ay pilac na lantay
cosina,i, gayon din houag cang magculang,
cun tamaang sinag nang init nang arao
ay macadudulit sa matáng tatanao.
Paliguid nang bahay ay jardineria
macetas na pauang caligaligaya,
ang sinoma,t, aling tauong macaquita
cun may capanglaua,i, magtamong guinhaua.