Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/60

From Wikisource
This page has been validated.


— 57 —

Di rin tumitiguil nang quinaiiyác
at di pinapansin ang sabi nang anác,
ang casi,t, esposo na si Juan Tamad
hindi umiimic sucat nagmamalas.

Ano,i, ng sapitin bundóc ng Cantabro
iniuan na roon ng mga soldado,
ang soldadong ito,i, bumalic sa reino
at doon nagtuloy sa real palacio.

Haring panginoon ay naroroon na
sa Cantabrong bundóc aming iniuan na,
ang sagót ng hari ay mabuti anya
cayo naman ngayon ay magsi-oui na.

Apat na mag-anac siyang sabihin co
nang sila,i, maiuan nang manga soldado,
princesa Leonila manga matá,i, puctó
puputóc ang dibdib ang loob ay guló.

Lumapit si Jua,t, ang uinica niya
esposa cong guilio baquit niniyac ca,
capilas nang dibdib houag manimdim ca
aco ay narito,i, di babayaan ca.

Sinapit tang palad ay di gunamgunam
na magca ganitong pinag-isang tunay,
dilidilihin mo,t, sa dibdib iquintal
capalarang ito,i, Dios ang may bigay.

Samantalahin mo,t, hirap ay tiisin
pagtauag sa Dios sa puso,i, itiim,
cacasihan tayo niya,t, bibihisin
ipagcacaloob ang aua sa atin.