This page has been validated.
BUHAY NA PINAGDAANAN
NI
Juan Tamad
NA ANAC NI
FABIO AT NI SOFIA
SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,
NA HINANGO SA NOVELA.
Oh serenísimang maauaing Iná
sa tauong cristiano na iyong oveja,
sa lupa at Langit ngalan mo ay siyáng
tinatawag namin sa toui toui na.
Icao po ang Torre at cabán ng tipán
Iná nang sumacop sa sala nang tanan,
cami pong inapó ni Eva,t, ni Adán
sa lubós mong aua cami,i, nananaban.
Ituto mo rin po Ináng mapagpala
masayod na lahat yaring ninanasa,
mapuról cong isip capós na acala
matutuhan co rin ang isasalita.