Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/45

From Wikisource
This page has been validated.


— 42 —

Icao catauan co caya ay paano
ngayo,i, saan caya aco patutungo,
mabuhay man baga ang tauo sa mundo
cun uala nang puri parang gamó-gamó.

Ang lalong matinding inaala-ala
di co icacain sa toui toui na,
cun ito,i, maalman rg hari at reina
na amá,t, iná co,i, magcacamit dusa.

Sa mundo,i, uala na,t, para cong pinatay
ang nagcalauinging pinagcautangan,
nasira ang puri,t, parang pinugayan
cun matanto ito,i, capalít ang búhay.

Himalá nang Dios na bigay sa aquin
signos co na yata at planetang linsil,
ualang naaalmang daang maguing dahil
nang sacunang itong aquing nararating.

At sa torreng ito,i, mulá nang matira
aco,i, ualang sucat gá masasabi na,
cundangan nga yata signos co,t, planeta
caloob sa aquin nang Dios na Amá.

Cundi noong minsang mamintana aco
taóng nagdaraan ang dalua catauo,
isa,i, tumingalá at naquita aco
tumaua,t, ngumibit ay natoua aco.

Dili co mataróc matapor isipin
ang nangyaring yao,i, sumasapanimdim,
diua ay yaon nga,i, siyang naguing dahil
pinagmulan nitong sacuna,t, hilahil.