Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap
uala siyang gaua cun hindi humicap,
ang pagcain niya ay sa batóng ingat
doon humihingi pag dating nang oras.
Sa lugar na ualang sucat macaquita
siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na,
saca sasabihing daling mag handa ca
ng comida,t, aco ay nagugutom na.
At pagcacatapos siya.i, macacain
ang uica sa batói, madaling ligpitin,
inaala ala ay baca malining
nang capoua tauo na sino ma,t, alin.
Nang maguing sanglingo itong nacaraan
pagca tahan niya sa reinong Portugal,
isang hating gabi,i, na catahimican
batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.
At sinabi niyang icao aquing bató
na bigay sa ɛquin matandang Nuno co,
daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo
para cacainin nang amá,t, iná co.
Gayon ang pangulam ay iyong samahan
sundin mong madali,t, huag cang magculang,
nang oras na yaon agad naganapan
sinunod nang batóng canyang casangcapan.
Ano,i, nang maguising ang amá at iná
daluang sacong bigas naquita pagdaca,
sa guitna nang bahay at may casama pa
na isda at ulam loob ay nag taca.